Provincial Commodity Investment Plan, Isinagawa sa High Value Crops sa Quezon


 

2017-04-03

 

 

Dinaluhan ng bawat focal person ng high value crops sa Quezon ang isinagawang Provincial Commodity Investment Plan (PCIP) sa Kamayan sa Palaisdaan, Tayabas City, Quezon, kamakailan, sa pangunguna ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor (OPA), Kagawaran ng Agrikultura (DA) at sa tulong ni Gob. David C. Suarez.

 

Layunin nito na matulungan ang mga magsasaka ng saging, cacao, pinya, manga, coffee at ampalaya sa pagbuo ng negosyong angkop sa mga ito nang sa gayon ay magkaroon din ng karagdagang pagkakakitaan sa larangan ng agrikultura.

 

Inilathala ng bawat focal person ang kani-kanilang mga plano ukol sa proyektong nais imungkahi sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP). Binigyan naman ito ng mga komento at suhestiyon ni Gng. Leonellie Dimalaluan, Tagapamahala ng OPA-Support Facilities Division at ni Bb. Sara Almaeda mula sa DA Region IV-A.

 

Nakatalagang magkaroon ng pagpupulong kasama ang mga stakeholders ng nasabing proyekto matapos maisaayos ang PCIP sa bawat uri ng high value crops sa Quezon. (OPA – Info Unit / Quezon – PIO)

 
 
BACK