General Assembly ng Quezon Banana Growers Association, Isinagawa


 

2017-04-03

 

 

Dinaluhan ng pangulo ng iba’t-ibang asosasyon ng saging ang isinagawang General Assembly ng Quezon Banana Growers Association (QGBA) sa pangunguna ng Tanggapan ng  Panlalawigang Agrikultor (OPA) at sa suporta ni Gob. David C. Suarez, kamakailan sa OPA Conference Hall, Talipan, Pagbilao, Quezon.

 

Layunin nito na mapagtibay ang saligang batas ng QBGA para sa ganap na pagpaparehistro nito sa Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (DOLE). Gayundin ay upang maisaayos at madagdagan pa ang bilang ng mga asosasyong kabilang nito.

 

Binigyang-linaw ni Bb. Leonelyn D. Castones, mula sa OPA-Support Facilities Division, ang kasalukuyang estado ng produksyon ng saging sa lalawigan gayundin ang mga nakatatag nang asosasyon sa bawat bayan.

 

Sa pangunguna ni Gng. Noriet D. morillo, Pangulo ng QBGA, ay sinimulan naman ang pagsasaayos at pagpapatibay ng saligang batas ng samahan.

 

Nagkaroon din ng workshop ukol  sa wastong pamamalakad at pagpaplano ng isang organisasyon sa huling bahagi ng pagpupulong. (OPA - Info Unit / Quezon – PIO)

 
 
BACK