Congressional Nautical Highway Caravan, Nagtapos sa Calauag, Quezon


 

2017-03-27

 

 
Tiniyak ni Majority Floor Leader, Rodolfo Fariñas na paglalaanan ng
 
pondo ng nasyunal na pamahalaan ang ipinagmamalaking programa ng
 
administrasyon ni Gob. David C. Suarez na Quezon’s First 1000 Days of
 
Life Program o Q1K na naglalayong mangalaga sa mga sanggol mula
 
sa sinapupunan hanggang sa magdalawang taong gulang ito.
 
Ayon kay Fariñas, sa tulong na rin nina Minority Floor Leader, Danilo
 
Suarez at ALONA Partylist Representative, Anna Marie V. Suarez, tiyak
 
na makakakuha ng pondo ang nasabing programa sa nasyunal na
 
pamahalaan dahil batid ng mga mambabatas na malaking tulong ito sa
 
susunod na henerasyon ng mga kabataan partikular na sa lalawigan ng
 
Quezon.
 
Si Fariñas ang nanguna sa katatapos lamang na 11 days Congressional
 
Nautical Highway Caravan na nagsimula noong ika-17 at nagtapos
 
noong ika-27 ng Marso kasama ang ilang mambabatas.
 
Sa bahagi ng Calauag, Quezon huling nagtapos ang nasabing Caravan
 
na sinalubong nina Cong. Suarez at Gob. Suarez.
 
Sa naturang caravan din inalam ng grupo ni Fariñas ang problema ng
 
mga dinaanan nilang lalawigan mula Batangas, mga lalawigan sa
 
Mindanao, Visayas at Southern Luzon. (Quezon - PIO)
 
 
BACK