Q1K Summit, Umani ng Positibong Reaksyon


 

2017-03-24

 

 

Makikita sa larawan sina Quezon Governor David “Jayjay” C. Suarez (gitna), Usec. Achilles Bravo, Office of the Administrative, Finance and Procurement , DOH (kaliwa), at Dr. Israel Francis Paragas, Vice President, Corporate Affairs Group Official Spokesperson, Philhealth. Kasama ang mga Philhealth representatives, Vice Gov. Samuel Nantes (ika-apat sa kaliwa) Provincial Administrator Romulo Edaño Jr., ALONA Partylist representative Anna Marie Villaraza-Suarez (ika-lima sa kanan), Mayor Dingdong Llamas, Dra. Esrelita Uy, at Dra. Grace Santiago (kanan). Sa ginanap na Memorandum of Agreement ng  Philhealth at Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon noong ika-22 ng Marso 2017 sa Taal Vista Hotel.

 

Isang makasaysayang pangyayari ang isinagawa ng Lalawigan ng Quezon hinggil sa ipinagmamalaki nitong Quezon’s First 1000 Days of Life o mas kilala sa tawag na Q1K program sa isang summit na ginanap sa Taal Vista Hotel, Tagaytay City na tumagal ng tatlong araw mula ika-22 ng Marso hanggang ika-24.

Ang tatlong araw na summit ay pinangunahan ni Gov. David C. Suarez sa pakikipagtulungan ni  ALONA Partylist Representative Congw. Anna Marie V. Suarez.“A child that is properly nourished is the country’s most precious asset.” pambungad na pananalita ni Gov. Suarez.

Lubos na ipinagmalaki ng gobernador ang Q1K Program sa halos 400 na nagsidalo sa nasabing summit, kabilang ang mga punong-bayan ng buong lalawigan  at ang mga opisyales ng kani-kanilang departamento. Aniya, ang programang ito ang pinakamalapit sa kanyang puso dahil ito ang pinaniniwalaan niyang magiging susi ng mas produktibo at mas malulusog na henerasyon sa hinaharap. Naroon rin sa nasabing pagtitipon sina Vice Governor Sam Nantes na nagbigay ng 100% suporta sa tatlong araw na summit at Dr. Estrelita Uy mula sa National Institute of Health ng University of the Philippines, Manila na nagsabing ang programang ito ang tutugon sa pangngailangan at magbibigay ng magandang kinabukasan sa mga batang Quezonians.

Kabilang sa mga panauhing pandangal na dumalo ay sina Usec. Achilles Gerard Bravo mula sa Office of Administrative, Finance and Procurement of DOH. “It falls upon government employees to lead the way. We should maintain our integrity, excellence and compassion to people. We need to ensure that they receive the best possible care, regardless whether they are rich or poor.”pahayag ni Bravo.

Naroon rin si Israel Francis Pargas, Vice President for Corporate Affairs and Spokesperson of Philhealth. “This program is a strategic planning. Having a healthy child to a healthy family, community and to the nation. You have a strategic thinker, planner and implementor. And we are here to support the government. May we continue to be partners in health.”ayon kay Pargas.

Isinagawa rin ng araw na iyon ang MOA signing kasama si Gov. Suarez.

Pinangunahan naman ni Dr. Grace Santiago ang paglalatag ng ilan sa mga tagumpay ng programa sa mga nakalipas na taon, kaalinsunod nito ay ipinakita rin sa mga nagsidalo ang ilan sa mga ipinagmamalaking good practices ng mga piling bayan at munisipalidad na higit na nagpakita ng natatanging suporta at magandang implementasyon ng Q1K program sa kani-kanilang bayan.

“There is no greater happiness than to care for your own kids. Malnutrition can mean the loss of great talents, and the lost chance of one, is a lost chance of all. And in this program, no role is smaller than the other, because it takes a village to raise a child” pagbati naman ni Congw. Anna V. Suarez para sa ikalawang araw ng summit.

 Naniniwala ang ALONA partylist representative na ang paglaban sa malnutrisyon sa tulong ng programa ay higit na makatutulong sa pagbuo ng isang mas matibay na komunidad.

Binati naman ng Minority Floor Leader na si Cong. Danilo Suarez ang bumubuo ng Q1K program para sa isang matagumpay na programang ipinatutupad para sa mga ina at sanggol. Naniniwala ang konggresista na ang ganitong uri ng programa ay hindi lamang dapat sa lalawigan isinasagawa bagkos pati na rin sa buong bansa. Nagpahayag rin ng suporta ang konggresista sa papamagitan ng pagkalap ng pondo mula sa mga National Government Agencies.

Samantala, aktibo namang nakibahagi sa mga inihandang workshops ang mga participants na hinati sa tatlong components ng Q1K program; ang health care and sanitation, food and nutrition at social care na pinangunahan ng kinatawan mula sa Passion for Perfection kung saan mas nagkaroon pa sila ng mas malawak na pag-unawa at interpretasyon sa nasabing programa.

Sa huling araw ng summit, malugod namang nagpasalamat ang gobernador sa mga nagsidalong opisyales ng lokal na pamahalaan. Lubos iyang ikinatuwa ang ipinakitang interes at dedikasyon ng bawat distrito sa mga aktibidad na isinagawa at mga dagdag kaalamang ibinahagi ng bawat isa. Inihanda rin ng bawat munsipyo ang kanilang mga plano na may kinalaman sa programa.

Naroon rin ang mga panauhing pandangal mula sa UNICEF na si Dr. Rene Galero.  “We are really happy that Quezon has taken this provincial movement. You have proven that it can be done. May you continue to help parents and children. UNICEF is here to support your endeavor. I hope in the future it's not just Calabarzon, but the whole nation.”ayon kay Galero.

Dumalo rin ang Regional Nutrition Program Coordinator ng Region 4-A na si Bb. Carina Santiago. “I am very happy and proud na natupad ang tangible na programang ito. I would like to congratulate the governor for his all out war against malnutrition. I hope in the future, it’s not just Calabarzon, but the whole nation.” pahayag ni Santiago.

Batid ng dalawang panauhin ang kanilang taos-pusong suporta sa programa at ang kanilang pangako sa patuloy na pagsuporta dito. Ibinahagi din ng ilang mga munisipalidad ang kanilang mga plano para sa patuloy na implementasyon ng Q1K sa kanilang lugar. Kinilala rin ang mga munisipalidad at bayan na nagpakita ng natatanging dedikasyon para sa tatlong araw na summit.

Bilang pagtatapos sa matagumpay na kaganapan, isinagawa ang paglagda ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan sa pangako ng pagtupad sa pangunguna pa rin ni Gov. David C. Suarez at Congw. Anna Marie V. Suarez.

“This summit is the highlight of my governance. Dahil naniniwala ako na pagkatapos nito, haharapin natin ang realidad na mayroong sandata sa tulong ng Q1K.” ani Gov. Suarez. (Quezon – PIO)

 
 
BACK