Pagpupulong ng Quarter Provincial Rabies Prevention, Control and Eradication Committee (PRPCEC) Gaganapin sa ika-23 ng Marso


 

2017-03-17

 

 

Nakatakda ngayong ika-23 ng Marso ang pagsasagawa ng unang PRPCEC meeting sa Lungsod ng Lucena na ipinatawag ng Office of the Provincial Veterinarian upang daluhan ng iba’t-ibang departamento ng lokal na pamahalaan mula sa lalawigan sa pangunguna ni PRPCEC Vice Chairman, Dr. Flomella A. Caguicla.

 

Ilan sa mga paksa na pag-uusapan sa nasabing pulong ay ang Rabies Accomplishment noong nakaraang taon kabilang ang Integrated Provincial Health Office at Provincial Veterenary Office. Tatalakayin rin sa pulong ang programa ng PRPCEC para sa taong ito. Pag-uusapan rin ang estado ng Polilio Group of Island (POGI) para sa posibleng deklarasyon nito bilang isang Rabies Free Area. Bukod dito ay bibigyang-pansin rin ang ibang pang mga usapin na mayroong kinalaman sa PRPCEC.

 

Noong nakaraang taon, 2016 ay inihain sa pulong ang Provincial Rabies Situation sa pangunguna ni IPHO, Bb. Elena de Guzman. Tinalakay rin dito ang rabies mass vaccination na isinagawa rin noong Enero hanggang Setyembre at ang pagsasanay ng mga vaccinators para dito.

 

Ilan sa mga aktibidad na tinalakay rin ay ang 3rd Pet & Owner Fun Run, World Rabies Day at Assistance to Veterinary Medical Mission. Pinagtuunan rin ng pansin ang mga bagay na dapat tandaan para sa mga kategorya ng pagkakaroon ng rabies, mga bakuna na akma para dito at mga usapin na tumatalakay rin sa Animal Bite Treatment Centers sa lalawigan. (Quezon PIO)

 
 
BACK