Pagsasanay para sa RIC Food Cart beneficiaries, Isinagawa


 

2017-03-17

 

 

Dinaluhan ng labintatlong (13) benepisyaryo mula sa Rural Improvement Club (RIC) ng ikaapat na Distrito ang isinagawang pagsasanay ukol sa food processing at wastong pamamalakad ng food cart sa pangunguna ng Tanggapan ng Panlalawiagang Agrkultor (OPA) at sa suporta ni Gob. David C. Suarez. Isinagawa ito sa OPA, Food Processing Center, kamakailan.

 

Layunin nito na malinang ang kaalaman ng mga benepisyaryo ukol sa mga masusustansyang pagkain na maaari nitong ibenta sa merkado. Gayundin ay upang maibahagi ang ilan sa mga puntos n adapt isaalang-alang sa pamamalad ng isang negosyo.

 

Masusing tinalakay ng tagapagsanay na si Gng. Marianita V. Bunyi, Tagapamahala ng Food Processing at Livelihood Center ng OPA, ang iba’t-ibang paksa ukol sa wastong pamamalakad ng isang negosyo, gaya ng mga sumusunod: Good Manufacturing Practices (GMP), Hazard Analysis and Critical Control Point (HACCP), kahalagahan ng food packaging at food costing. (OPA Info. Unit / Quezon - PIO)

 
 
BACK