IKALAWANG FEDERALISM FORUM, GINANAP SA LALAWIGAN NG QUEZON


 

2017-03-10

 

 

Lucena City, Quezon. “Upgrade our system of government so we can effectively deliver the needs of our poeple.” ito ang bungad na pahayag ni Quezon Governor David C. Suarez  sa ikalawang forum na isinagawa may kaugnayan sa isinusulong na federal form of government ng administrasyon ni pangulong rodrigo duterte.

 

Naniniwala si Gov. Suarez na dapat makarating sa kaalaman ng mamamayan kung anong uri ng sistema ng gobyerno ang pederallismo kung papaano ito makakatulong sa mamamayan at sa lokal na pamahalaan.

 

“Federalism is not a magic potion. It requires competition over patient training. It’s not about being ready, it’s about having the willingness to shift to change.” dagdag pa ng Gobernador.

 

Malinaw namang ipinahayag ng keynote speaker na si Prof. Andreas Grüder ang kanyang kaalaman tungkol sa Pederalismo, kung paano ito nakatulong sa kanyang bansang Germany at kung paano ito makakaapekto sa ating bansa sa hinaharap.

 

“Do we want more of the same or more of equality?” tanong niya. Binigyang pansin rin ni Grüder ang epekto nito sa pag-unlad, at ang mga positibo at negatibong maaaring maidulot ng Pederalisasyon.

 

Kabilang sa mga nakiisa sa naturang forum ay ang hanay ng business sector sa lalawigan, sa akademya, non government organization, peoples organization, mga mag-aaral mula sa ibat-ibang eskuwelahan, mayors at mga miyembro ng sangguniang panlalawigan.

 

Tiniyak naman ni Gov. Suarez na masusundan pa ang nasabing forum na tutukoy naman kung anong posibleng porma ng federalism ang gagamitin sa bansa. (Quezon-PIO)

 

Photo Caption:
 
Quezon Governor David C. Suarez kasama sina Professor Andreas Heinemann-Grüder (kanan) at Herr Gitz Heinicke ng Hanns Seidel Foundation of the Philippines sa ginanap na Federalism Forum nitong ika-8 ng Marso 2017 sa Queen Margarette Hotel, Lucena City.
 
 
 
BACK