2017 First Quarter Regional Development Council Meeting, Isinagawa sa Quezon


 

2017-03-10

 

 

Pinangunahan ng lalawigan ng Quezon ang 2017 First Quarter Regional Development Council Meeting. Dito ibinida ng mga dumalong opisyal mula sa cavite, laguna, batangas, rizal at quezon ang  kanilang mga proyekto’t programa para sa ikauunlad ng nasabing mga probinsiya.

Sa bahagi ng Quezon, ipinagmalaki ni Governor David “Jayjay” C. Suarez ang Quezon’s First 1000 Days of Life o Q1K project, na sa kasalukuyuan ay nasa tatlong taon na itong ipinatutupad.

Sa tulong at suporta ng mga opisyal mula sa iba’t-ibang munisipalidad sa lalawigan, ang nasabing proyekto ay nagkaroon na ng pagkikilala mula sa Unicef Foundation na kung saan ay nagkaroon rin ng kolaborasyon ang organisasyon sa lokal na gobyerno sa pagbuo ng mga aklat at modyul tungkol sa Q1K project na naglalayong mas makapagbigay tulong at impormasyon sa mamamayan o mga nagbubuntis.

Samantala isa sa binigyang pansin at isinulong ng council ay ang kahilingan sa nasyunal na pamahalaan na agad ng pasimulan ang TR4 o extension ng south luzon expressway mula sa sto. Tomas hanggang sa lucena city.

Sa isang press conference nilinaw naman ni  RDC  Vice Chairperson Director Luis Banua na hindi naiiwan ang lalawigan ng Quezon pagdating sa kaunlaran at industrialization. Sa katunayan aniya ay may mga programang inihahanda ang NEDA para sa lalawigan katulad ng pagpapasigla ng turismo at paglalagay ng mga processing plant dahil kilala ang lalawigan bilang agricultural land.

Ayon sa mga opisyal ng RDC  mas malaki ang kikitain ng mga magsasaka kung ang kanilang mga produkto ay dadaan sa processing plant.

 
 
BACK