Food Cart ni JUANA, Ibinahagi sa 20 Mamamayan ng Quezon


 

2017-02-21

 

 

 

Personal na ipinamahagi ni ALONA representative Anna Villaraza Suarez sa ilang kasapi ng Rural Improvement Club (RIC) at 4-H Club ang 20 tulong pangkabuhayan food carts katulong ang tanggapan ng Provincial Agriculture na pinamumunuan ni Roberto Gajo noong ika-9 ng pebrero, taong kasalukuyan

 

Nakiisa sa nasabing okasyon ang mga kinatawan ng Punong bayan, Municipal Agriculturist at Coordinator ng ALONA Partylist, kasama ang ilan sa mga namumuno ng pamahalaang panlalawigan na sina Executive Assistant II Cristina Talavera at Executive Assistant II Matt Erwin Florido.

 

Sampo mula sa samahan ng RIC ang tumanggap ng “Foodcart ni Juana” kabilang dito sina Rosalie Atentar ng Burdeos, Marilyn Flores ng San Andres, Hermilito Diaz ng San Narciso, Mylene Regencia ng Agdangan, Refrida Liwag ng Sampaloc, Perlita Fortunado ng Atimonan, Carmelita De Gala ng Candelaria, Armelia Cabangon ng Alabat at Wilma Catillo ng Lucban.

 

Dagdag pa rito ang ila sa mga kabataan sa samahan ng 4H na sina Jay Labini at Roy Duaso ng San Andres, Betty Alegre ng Yapak at Halik sa Padre Burgos, Mark John Vidal ng Angeles National High School 4-H Club at Leanne Cabangon ng Panikihan National High School 4-Club, Darhyl Plata ng Pagbilao National High School 4-H Club, Maylene Casco ng Elias National High School 4-H Club at mga kasapi mula sa Macalelon na sina Rea Recilla ng Olongtao National High School 4-H Club at Joel Nagutom ng Taguin 4-H Club.

 

Layunin nito ang mapalaganap ang pagkain ng mga masusustansyang pagkain sa buong lalawigan lalo’t higit sa mga kabataan sa pamamagitan ng Nutri-kakanin, Nutri-Meryenda, Nutri-Burger at Prutas at Gulay.(QuezonPIO)

 
 
BACK