Lalawigan ng Quezon, dineklarang Conflict Manageable Area and Ready for Development


 

2016-09-09

 

 

Dineklara ang lalawigan ng Quezon na Conflict Manageable area and ready for development na pinangunahan ni Governor David “JayJay” C. Suarez na ginanap sa Provincial Governor’s Office at sa Bulwagan Kalilayan kung saan ginanap ang Signing of Memorandum of Understanding noong ika-8 ng setyembre, taong kasalukuyan.

 

Dumalo sa pagpupulong  ang mga bumubuo ng Provincial Peace and Order Council na nagbuwis ng kanilang buhay upang maprotektahan ang pananaig ng batas at tinalakay ang mga bagay na makakapagpapaunlad ng bansa. 

 

Napagusapan sa pagpupulong ang isyu tungkol sa lumalaganap na problema ng probinsya ukol sa illegal drugs, illegal fishing, illegal gambling at illegal logging.

 

Ayon sa gobernador, kinakailangan ng malaman kung ilan sa mga taga Quezon ang gumagamit ng droga upang mapagaralan kung papaano ito mareresolba.

 

1,646 kawani ng Quezon PPOC ang sumailalim sa drug test at isa sa mga ito ang nagpositibo sa ipinagbabawal na gamot at ngayon ay nasa ilalim pa ng imbestigasyon.

 

Hiniling ng gobernador sa PNP na kailangan patindihin ang kampanya laban sa illegal logging na sa susunod na pagpupulong ay may maipapakita na ang mga ito.

 

Inaasahan naman sina board member Dominic Reyes ng Sanguniang Panlalawigan na pamumunuan ng Provincial Chief Executive ng PNP, AFP, Coastguard, Maritime, Mayors and iba pang piling indibidual na tatangkilik ukol sa kampanya laban sa illegal fishing.

 

Ibinahagi ng Provincial Director ng PPOC ang pagbaba ng krimen ng taong 2016 sa kabuwanan ng Enero hanggang agusto kung ikukumpara noong Enero hanggang Agusto ng taong 2015.

 

Lubos naman ang pasasalamat ni Governor Suarez sa mga kawani ng SOLCOM at kasamahan sa AFP na resulta ng kanilang dugo’t pawis na nanungkulan sa pagsugpo ng mga rebolusyonaryo.

 

Dagdag pa ng gobernador ang planong Allocation of P100 million Quezon Complex at Niyogyugan Village na may 5-10 ektarya upang maging mas maayos at matiwasay ang pagdiriwang ng Niyogyugan Festival sa darating na taon. (Quezon PIO)

 
 
BACK