Tanggapan ng Panlalawigang Piitan, Nangasiwa sa Flag Raising Ceremony


 

2017-10-02

 

 

Pinangunahan ng Tanggapan ng Panlalawigang Piitan ang isinagawang flag raising ceremony nitong nakaraang Lunes sa pamumuno ni BJMP Jail Warden, Supt. Bermar Adlaon.

 

Kasalukuyang ipinagdiriwang ng buong bansa ngayong buwan ang National Correctional Consciousness para sa mga mamamayan, bilang bahagi ng community pillar ng criminal justice system. Ayon kay Adlaon, ang layunin nito ay gisingin at bigyang kaalaman ang mga mamamayan upang bigyang pansin ang mga kababayang naligaw ng landas. Dagdag pa niya, lumobo ng 40% ang dami ng populasyon ng mga inmates sa lalawigan simula nang ipinatupad ang “War on Drugs” na programa sa bansa.

 

Ibinalita rin ni Adlaon ang isinasagawang bagong piitan sa Talipan, Quezon ay nasa 60% na ng konstruksyon. Aniya, inaasahang sa buwan ng Nobyembre ay isasagawa na ang relocation ng ilang mga inmates para sa mas maayos nilang pansamantalang tahanan.

 

Ayon naman kay Provincial Administrator Romulo Edaño Jr., nakatakda ngayong buwan ng Oktubre ang pagsasagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Q1K Family Orientation kasama ng ilan sa mga benepisyaryo ng programa. Samantala, sa buwan naman ng Nobyembre isasagawa ang paggunita kay Hermano Pule sa pamamagitan ng isang acitivity launch para sa laban sa illegal drugs and criminality na dadaluhan ng tinatayang 8,000 indibidwal mula sa iba’t- ibang panig ng bayan at purok  sa pangunguna ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez. (Quezon-PIO)

 
 
BACK