Distribution ng Scholars Prepaid Card, Isinagawa


 

2017-07-28

 

 

 

Sa patuloy na pagpapaigiting sa sektor ng edukasyon, patuloy ang pagsasagawa ng pamahalaang panlalawigan ng programa para sa mga iskolar upang magbigay suporta sa kanilang pag-aaral sa pangunguna ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez.

 

Kaugnay nito ay isinagawa kamakailan sa Bulwagang Kalilayan ang distribution ng scholars’ prepaid card para sa mga piling mag-aaral ng lalawigan sa pangunguna ng Serbisyong Suarez Scholarship Program.

 

Lubos naman ang pasasalamat ng mga kabataang nagsidalo sa nasabing kaganapan. Ayon sa kanila, malaking tulong ang naibibigay ng ganitong uri ng programa para sa pinansyal na suporta sa kanilang pag-aaral.

 

Inaasahan pa ang pagkakaroon ng mga programang nakatutok sa pag-unlad ng edukasyon sa lalawigan para sa next 3 best 3 years ng administrasyong Suarez. (Quezon – PIO)

 
 
BACK