Public Employment Service Office, nanguna sa flag raising ceremony


 

2017-07-28

 

 

Pinangunahan ng Public Employment Service Office ang flag raising ceremony kamakailan kasama ang mga piling mag-aaral ng Special Program for Employment of Students o SPES sa ilalim ng Suarez Scholarship Program.

 

Ayon kay PESO Department Head Atty. Melojean Puache, malapit sa kanyang puso ang mga scholar ng lalawigan. Aniya, sila ang nagsisilbing inspirasyon sa mga kawani ng pamahalaang panlalawigan sa pinapakita nilang dedikasyon sa trabaho upang matustusan ang kanilang pinansyal na pangangailangan para makapag-aral.

 

“Tunay pong nakakagaan ng kalooban kapag nakikita po natin ang mga batang ito na nagsusumikap sa kanilang mga trabaho upang matustusan ang kanilang pag-aaral. Sila po ang nagsisilbing inspirasyon sa ating mga kapwa manggagawa na mas pagbutihin pa ang ating mga trabaho.” ani Atty. Puache.

 

Ang nasabing SPES program ay ilan lamang sa mga serbisyong ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan sa mga mag-aaral upang bigyang tugon ang mga pangunahin pangangailangan nila at mas mapaunlad pa ang sektor ng edukasyon sa Quezon sa pangunguna pa rin ng ama ng lalawigan Gob. David C. Suarez. (Quezon – PIO)

 
 
BACK