Values Reorientation at Business Planning, paksa ng pagsasanay sa Unisan at Candelaria


 

2017-07-28

 

 
"Kailangan lamang ng sipag at tiyaga." ani Gng. Querubin.
 
Hinimay-himay kamakailan ang kahalagahan ng values, pagpaplano ng negosyo at pagsisimula ng aksyon sa pagsasanay na dinaluhan ng Kalilayan Twiners and Weavers Association (Unisan, Quezon)at Samahan ng Manggagawa sa Niyogan ng Pahinga Sur (Candelaria, Quezon), OPA Conference Room, Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon.
 
Mula sa Tanggapan ng Panlalawgang Agrikultor (OPA) ang mga tagapagsalita: Paulo Cayetano (Values Reorientation), Pamela Nilo at Leo Ramos (Business Planning).
 
Kasama rin sa mga tinalakay ay ang Action Planning na kinapapalooban ng Vision-Mission at ilan pang detalye kaugnay sa pagnenegosyo.
 
Nagbigay naman ng mensahe kaugnay sa kahalagahan ng pagnenegosyo si Gng. Redempta Querubin, Coconut Delvelopment Division Head.
 
"Maliit man ang inyong negosyo, makakatulong yan sa inyo. Kailangan lamang ng sipag at tiyaga, kaya ng lahat." pagbibigay-insipirasyon ni Gng. Querubin sa mga samahan. (OPA - Info Unit / Quezon - PIO)
 
 
BACK