Quezon Provincial Council on Disability Affairs Nakiisa sa National Disability Prevention and Rehabilitation Week


 

2017-07-17

 

 

Aktibo ang pakikiisa ng tanggapan ng Quezon Provincial Council on Disability Affairs sa selebrasyon ng 39th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang “Karapatan at Prebilehiyo ng may kapansanan: Isakatuparan at ipaglaban!” sa suporta pa rin ng ama ng lalawigan Gob. David C. Suarez.

 

Ang nasabing selebrasyon ay tatagal ng isang linggo mula ika-17 hanggang ika-23 ng Hulyo bilang paggunita sa kapanganakan ni Apolinario Mabini at nakatakda namang ipagdiwang ng lalawigan sa ika-3 ng Agosto.

 

Sa isinagawang flag raising ceremony na pinangunahan ng Quezon Provincial Council on Disability Affairs, ibinahagi ni Provincial Social Welfare Development Officer Sonia M. Leyson ang nakatakdang pagkakaroon ng iba’t-ibang uri ng paligsahan sa lalawigan bilang paggunita sa nasabing pagdiriwang na isinasagawa taon-taon. Kaugnay pa rin sa pagbibigay-pugay sa mga Persons With Disabilities o PWD, binigyang-diin ni Bb. Leyson ang pagsunod sa mga pangunahing infrastructure requirements na may kaugnayan sa mga pangangailangan ng mga PWD.

 

Ayon naman kay Provincial Administrator Romulo EdanÌŒo Jr., patuloy ang pagsasagawa ng pamahalaang panlalawagan ng mga proyekto na nagbibigay suporta at pagmamahal sa mga PWD gaya na lamang ng pagbilang sa kanila sa ilan sa mga tanggapan sa pamahalaang panlalawigan at pagpapahalaga sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

 

“Naniniwala po kami na ang mga kasamahan natin PWD ay nagbibigay ng mabuting ehemplo at inspirasyon sa ating mga tanggapan. Ang buong council po ay nananatiling nagpupush ng ilan sa mga programs at projects na kailangan i-undertake at maging policy sa loob ng pamahalaang panlalawigan ay kailangan natin isaalang-alang hindi lamang para i-comply ang batas ngunit kundi para iparamdam mismo sa mga PWD’s ang continuous support ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon.” ani EdanÌŒo. (Quezon – PIO)

 
 
BACK