Mga magsasaka mula sa 13 bayan ng quezon, nagsanay sa “Maintenance and Trouble Shooting ng Flat Bed Dryer”


 

2017-02-21

 

 

ka-31 ng pebrero, taong kasalukuyan ng ipagkaloob ng pamahalaang panlalawigan na pinamumunuan ni Gov. David “JayJay” C. Suarez sa mga magsasaka ang pagsasanay patungkol sa “Maintenance and Trouble Shooting of Flat Bed Dryer” na pinangunahan ng tanggapan ng Provincial Agriculture.

 

Nakiisa sa pagsasanay ang mga magsasaka ng bayan ng Burdeos, Lucban, Mauban, Tiaong, Sariaya, San Narcoso, Catanauan, San Andres, Lopez, Pagbilao, Guinyangan, Mulanay at Lungsod ng Tayabas.

 

Dumalo naman sina Anna Pamela Agudilla ng Provincial Corn Coordinator, Alvin Ilagan ng Provincial Rice Coordinator, at mga napiling kumatawan sa nasabing tanggapan na pinamunuan ni Engr. Jocelyn A. Rioflorido.

 

Tinalakay naman ni Engr. Joseph T. Sison ng P.I Farm Products Inc. na naging tagapagsalita ng nasabing pagsasanay ang mga alintuntunin sa pangangalaga ng mga makinarya.

 

Ang layunin ng pagsasanay na ito ay angmapanatili ang kaayusan at kasiguraduhan ng pangangalaga ng mga magsasakang gumagamit ng Flat Bed Dryer.(QuezonPIO)

 

 
 
BACK