SUPORTA NG PHILHEALTH SA QUEZON TULOY-TULOY


 

2017-02-21

 

 

SUPORTA NG PHILHEALTH SA QUEZON TULOY-TULOY

 

Lucena City, Quezon. Tuloy-tuloy ang magiging suporta ng philhealth sa mga programang pangkalusugan ng administrasyon ni Governor David Suarez.

 

Ito ang may pagtitiyak na pahayag ni Provincial Administrator Rommel Edano pagkatapos na makipagpulong ng mga ito sa mga opisyal ng philhealth sa pangunguna ng kanilang pangulo na si Buddy Aristosa.

 

Sinabi ni Edano na kabilang sa kanilang inihain na positibong tinugunan ng philhealth ay ang sinimulan nitong Q1K o first one thousand days para sa mga buntis at magiging anak ng mga ito.

 

Samantala sa nakaraang flag raising ceremony ay ipinahayag naman ng nagbabalik na Regional Officer ng Philhealth na si Albert Manduriyao na nakahanda silang tumulong sa pamahalaang panlalawigan lalo na kung ito ay usaping pangkalusugan.

 

Sa katunayan sa kanilang pinakahuling datos ng nakaraang taon ay aabot sa 1.9 bilyong piso ang ibinayad nila sa mga accredited facilities at P722 M ay ibinayad sa lahat ng hospital na nasa pamamahala ng pamahalaang panlalawigan.

 

Bukod dito ang Quezon Medical Center ay ika-tatlumpo sa highest paid hospital sa buong pilipinas. Ito ay sa tulong ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng kanilang indigent program, sponsored program at senior citizens sa pamamagitan ng no balance billing, kaya naman aabot na lamang sa labing anim na porsyento ng kabuuang populasyon ng lalawigan ang hiNdi pa ganap na miyembro ng philhealth. (QUEZONPIO)

 
 
BACK