Executive Course on Incident Command System | February 28, 2024

“Thankful tayo sa PDRRMO at Office of Civil Defense sa pag-impart sa atin ng kaalaman upang maging isang effective na Incident Command Officer”
Ito ang sinabi ni Governor Doktora Helen Tan sa ginanap na Executive Course on Incident Command System Training ng Quezon PDRRMO katuwang ang Office of Civil Defense na dinaluhan ni Governor Doktora Helen Tan at ng mga punong tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan nitong nakaraang araw ng Miyerkules, Pebrero 28 sa Queen Margarette Hotel, Brgy. Domoit, Lucena City.
Ipinakita sa aktibidad ang pagsasagawa ng tamang desisyon, angkop na pagpaplano, at tamang pamamaraan sa pagresponde sa panahon ng pangangailangan mula sa mga paksang inihanda ng pamunuan ng PDRRMO, gaya na lamang ng Incident Command System, ICS Organization and Staffing, ICS Facilities, Organizing ICS and Managing Incidents and events at Common Responsibilities.
Hangad naman ng gobernadora na ang bawat isa ay matuto ng angkop na kaalaman, kasanayan, at saloobin na kinakailangan pagdating sa aplikasyon ng mga pangkalahatang konsepto at prinsipyo ng Incident Command System (ICS) at magamit ang mga ito sa anumang sitwasyon.
Source: Quezon PIO